Wednesday, April 26, 2006

isang araw, isang gabi at buong magdamag


haaay...
p*tangna! bullsh*t! tagus ba?! tagus ba?! it hurts! it hurts you know!...

"...Lumingon sandali lang bago mo tuluyang iwan... nais ko...
SUMIGAW! palabas at sasabihin sa iyo ang lahat.
TUMAKBO palayo at iiwanan na ang ala-ala mo!!!!
at kung hindi na babalik, sana sa pag-gising ay wala na ang nadaramang sakit!
at kung hindi na babalik... sasabihin sa sarili na hindi ako nagkamali..."

SUMIGAW! palabas at sasabihin sa iyo ang lahat.
TUMAKBO palayo at iiwanan na ang ala-ala mo!!!! "


huhuhu ouch!






masakit lang talaga ng ngipin ko.

Wednesday, April 12, 2006

PENITENSYA
Holy Week. Holy Wednesday na. panahon na naman ng pagpepenitensya. di ba pagpapakasakit ang pagpepenitensya? puta! e ano pang pinagkaiba ng pagpepenitensya sa iba pang mga araw? dahil ba Holy Week? bakit ba tinawag na "holy" ang week na ito? sabi ng nakararami, ang linggong ito raw ginugunita ang pagpapapako ni Hesus para sa kaligtasan ng nakararami. para sa kaligtasan. para sa kaligtasan. para sa kaligtasan. yan lang ang alam nating sabihin. kaya mo bang gawin? sabi nila, SIYA lang ang nakagawa nun. ang akuin ang lahat ng kasalanan sa mundo para sa kaligtasan ng lahat. LAHAT. SIYA pala si Superman. astig siguro sya maging katropa noon. kaya payo nila, tularan natin yung ginawa NYA. tularan natin SIYA. wala na raw gano'ng tao sa panahon ngayon. WALA na daw kayang magsakripisyo ng sarili sa kapakanan ng iba. mapaparatangan ka pang sira-ulo o baliw (baka madala ka pa sa mental hospital ng mga kamag-anak mo o kaibigan) pag gumawa ka ng gano'ng kalokohan. ang iba naman ginagawa na lang ang pagpapakasakit dahil daw nakagawian na. tradisyon. alam mo yun? yung mga literal na nagpapapako sa krus at nagsusugat ng mga katawan nila habang naglalakad bareback (hindi brokeback.) sa kasagsagan ng init ng araw. para sa isang palaboy na tulad ko, pareho lang ito ng bawat araw na nagdadadaan. penitensya ba kamo? ano yun? nabibili ba yun sa tindahan? pinamimigay ba yun? iyon ba'y libre? kung libre man yun... gusto mo ba? hehe penitensya daw. minsan lumabas ka't maglakad-lakad sa daan. iwan mo muna ang kotse sa garahe (kung meron ka). maglakad ka lang. makakatipid ka pa. napapansin mo ba yung mga batang natutulog sa mainit na semento't naghahati lamang sa kakarampot na dyaryo o karton na napulot lang sa basurahan (walang tirahan)? nakikita mo yung batang nagtitinda ng sampaguita tuwing gabi (para daw sa pag-aaral at para may makain ang pamilya nya)? yung mga matatandang namamayat na't nakasalampak sa mga bangketa?(para daw hindi maging pabigat sa pamilya kaya lumayo na lang) ang mga nakatambay na prosti sa kahabaan ng kalyeng dinadaan-daanan mo, napapansin mo ba? (para ito sa mga mahal nila sa buhay.) naririnig mo ba ang hiyaw ng mga magulang na nawalan ng kanilang anak o anak na nawalan ng magulang o kapatid? ang bawat isang tao na kasabay mong naglalakad, naaaninag mo ba ang kanilang mga itinatagong lihim? (hindi nila maiintindihan kaya buti pang tumahimik na lang.) ilang buto na ba sa kabinet ang pinilit mong ungkatin kesa ipagsawalangbahala? ganyan din siguro ang mga nakita nya noon. sila din siguro ang mga gusto NIYA mailigtas. ganyan din siguro pumalahaw ng iyak ang KANYANG ina nang makita ang anak na duguan at nahihirapan habang pasan ang mabigat na krus. ganyan din siguro ang naramdamang lihim pagdadaramhati ni Hudas nang ipagkanulo niya ang isang kaibigan. ganyan din siguro ang pighating naramdaman ni Maria Magdalena sa tuwing paparatangan sya bilang isang prostitute (ni hindi nga nila kilala kung sino sya di ba? ang galing no? uso na ang tsismisan noon pa man). penitensya. samantalang marami dyan sa paligid, araw-araw pala may nagpapakasakit sa kapanan ng iba...hindi lang nila alam. hindi lang natin alam. pero araw-araw pala may nagpepenitensya.