Friday, March 31, 2006

wala lang akong matinong ma-ipost
kaya dadaldal na lang ako dito

ako ay nagbabalik.isang gago na palaboy ng lansangan. laging nawawala
at nakatulala sa kawalan. magbabahagi lamang ng mga mumunting kwento.
mga kwentong hango sa araw-araw na paggagala. usapang musika muna tayo...

gigs
andami gigs nitong mga nagdaang linggo (since last year). summer na. humaharurot na ang palipad ng mga lokal na banda. buhay na naman ang OPM. naglabasan na naman ang mga rakista. rakrakan na. inuman na. tugtugan na. slamman na. bata, matanda nakakarelate. at kahit na gaano kaingay ang mga musika't tugtugan nito...napapasayaw ka man sa kinatatayuan mo, iba talaga kapag nakakapanood ka ng gig. makita mo na tumutugtog ng live ang isang banda. mas maappreciate mo yung galing nila sa pagkalabit ng mga strings ng kani-kanilang mga gitara't baho o paghampas ng tambol; at pagkanta ng bokalista.

nakakamiss lang ang mga club dredd days noon.
oo...bawal pa ako sa mga gano'ng lugar.
palo ang aabutin ng inyong abang lingkod hehe

pangarap na banda
ano kayang feeling ng meron kang sariling banda? yung hinihiyaw ang pangalan mo
habang tumutugtog ka ng isa sa mga orig nyong komposisyon? yung meron humahabol sa "entourage" nyo (malalim ba? wala akong ibang word na maitawag e hehe) papunta sa isang gig? yun bang tuwing lalabas kayo sa isang gig e may mga sumasalubong sa inyo na nagkakagulo na makipagkamay sa inyo o pa-piktyur pa?! o di kaya yun lalapitan kayo't hihingan pa ng autograph?! ano bang feeling na pag tuwing kakanta kayo e nakikikanta rin ang lahat ng manonood?!... ano nga kaya?!

masaya magkabanda. madali lang bumuo ng banda.
madali rin maglaho ang mga pangarap.
kung wala sa puso...at sumusunod lamang sa uso.


we interrupt this program to give you
an important reminder

based on a true story. hehe

HOST 1: "Okei pa ba kayo lahat dyan?!"
(hiyawan mga rakista!)
HOST 2: "Wow! astig kayong lahat. lahat kayo na dumalo sa gig na ito..."
HOST 1: "Oo, nga. Ngunit bago natin ipagpatuloy ang selebrasyon na ito..."
HOST 2: "may konting mga announcements lang kami na kailangan banggitin."
HOST 1: "Okay ba sa inyo yun?!"
(hiyawan ulit ng mga rakista... pero parang nagmamumble lang ng mga salita. kung ano man yun? hindi ko alam hehe)
"cge na! ituloy nyo na yan tapos tugtugan na ulit!!!!" sigaw ng isa sa mga manonood.
HOST 2: "Ang sasaya nila ngayong gabi ano?!"
HOST 1: "Tama. o sya. ito ang mga nanalo sa raffle natin ngayong gabi ng isang case ng beer..."(at isa-isang nagbanggit ng pangalan ng mga nanalo sa raffle)
HOST 2: "At ito naman ang mga nanalo sa raffle natin ngayong gabi ng mp3s...pero hindi mp3 player...mp3s lang take note!" (at binanggit na naman ang mga pangalan ng mga nagwagi)
HOST 1: "Congrats sa mga nanalo at inyong i-claim ang premyo dito sa harap ng stage..."
HOST 2: "Congrats! Other announcements..." (pause) "tinatawagan ng pansin ang may-ari ng kulay puting Mercedez Benz...hindi na sya puti..."
HOST 1: "Tinatawagan ang pansin ng may-ari ng kotseng may plakang TAE658... kasalukuyan syang tino-tow..."
HOST 2: "O sya! ituloy na tin ang tugtugan! siagw nga ulit kayo..."
(hiyawan ng mga rakista ulit!)
HOST 1: "Handa na ang susunod na banda. inihahatid namin sa inyo ang bandang Banda Namin Noon..."
HOST 2: "Teka muna!... sisingit lang po muna ako...isa na lang announcement..."
HOST 1: "O cge..."
HOST 2: "Uhmm... tinatawagan ng pansin si Juan Andres Bernardo Huwes Jr."
"... nanay mo nasa labas at sinusundo ka. Gabi na raw... uwi na daw kayo."

(hiyawan at kantiyawan)