Wednesday, January 18, 2006

sa MRT kanina...
syempre dakilang late si ako. tanghali na papasok pa lang ako. i'm so0ooo dedicated di ba?! ba't nga ba ako late?
SWOOSH (flashback effect) well...sangtambak ang mga J.O. sa opis. from monday 'til wednesday (this week pa lang yan...hindi ko na isasali yung mga nakaraan pa) grabe ang demand (though hindi pa naman overwhelming). uwian-pasok galore at tapak lang sa bahay ang mga kaganapan sa kabuhayan ko. pero kagabi...este kanina pag-uwi ko (sa wakas... ^_^) mantakin mo! nag-alaSPIDERMAN ako...akyat-bahay gang, in short...sa inuuwiang tahanan ng isang palaboy na tulad ko. sarado na kc ang gate at mga pintuan. well...ayus lang sanay na hehe SWOOSH (flashback effect) kanina habang nakasakay sa MRT, habang ang isip ay nasa ibang dimensyon parang nabatukan ang bata nang kanyang makita si Kris Aquino! nakatingin sa akin at nakaturo, nanlalaki ang mga mata't nakabuka ang bibig na tipong sumisigaw sa akin ng: "GAME KA NA BA?!" so syempre napatingin ako habang sinasabing "yeah, right." and then, bigla syang nahati sa gitna. tumabingi mukha nya. one side goes to the left...the other side to the right. as in! nahati sya! believe me. parang mutation process ng pelikulang TOTAL RECALL. i'm speechless. a girl of her status naging gano'n. mutated version. after ilang minutes, naging buo sya ulit. at ako'y nagpatuloy sa aking paglalakbay.



so far so good...she's only a sticker.
nakakatawa lang kc ung itsura nya nung bumukas ung pintuan ng tren at sakto yung image nya doon nakalagay ; )
ABAUWHA?! ABAUWHA?!
WHATEVER!
puta.

WHY NOT?!
pakingshet...
TAE(ng kalabaw)
tarantado
gago.
SHITna mainit.


watchyourlanguage
ucanneverbethatgracefuluntilithitsyouunexpectedly ^-^

sa true lang...sinisipon lang talaga ako ngayon.

Friday, January 13, 2006

kwento ko isang araw...

on movies...
"entertainment n. Something, especially a performance or show, designed to entertain".

pagkatagal-tagal mong hinintay ang pagkakataong masilayan ang iyong pinaka-aabangang palabas sa mga sinehan. tuwang-tuwa ka pa sa iyong nag-iisa't natatanging misyon sa araw na iyon. puno ng pag-asa't pagnanasa kang umakyat ng hagdan para lamang makita na buhul-buhol na ang tila ahas na namulupot ang pila. lahat nakapila. lahat nag-aabang. lahat ay tulad mong naghihintay at nag-aasam na masilayan ang pinaka-aabangang palabas. ito ang tumambad sa iyo. gano'n din ang kwento sa pilahan ng tiket. pucha! ang haba ng pila. sumingit na lang kaya ako? pero sabi mo sa sarili mo "hinde. sila'y tulad ko na nag-aabang at umaasang mapanood ang palabas na ito. respeto kapatid. respeto." pumila ka't tahimik na naghintay. 5 minutos. 15 minutos. 30 minutos. 45 minutos. 'langya! isang oras na! kaya mo pa? magdadalawang oras na ikaw nakatayo sa pila't tahimik na umaantabay at nananalanging "sana gumalaw na ang pila..." ilang oras ba itong palabas na ito? ayan at may mga nagsisilabasan na. unti-unti nang gumagalaw ang pila. makakapasok ka na. ini-abot mo ang tiket at humakbang loob ng cinema lobby. wala ka na sa pila. pumasok ka na sa pinto. madilim. ngunit may mga tao pang nakatayo. yung iba naglalakad. tulad mo dumadaan at dinadaanan. at nang marating ang kaloob-looban, napagtanto mong andami palang mga tao. may upuan naman kaya lang mas marami pa sa upuan ang mga taong nanduon. pero malay mo... may maupuan ka pa. kasi meron pang mga umaalis at lumalabas. kaya lang ay tila suntok sa buwan na lang ang paghahanap ng upuan. wag nang mag-inarte. meron namang sahig. e pucha! pati sahig puno na rin ng tao. hindi pa maganda yung view. pa'no ka pa naman makakapanood nyan?! duon kaya ikaw 'kamo sa itaas na lebel. tama! at least kahit nasa sahig ka kita mo pa rin yung pinapanood mo. chika na lang ung mga dumadaan. pag nag-umpisa na ang palabas tiyak na wala na yang mga dumadaan na yan. hehe. at ika'w pumwesto ng upo. kuntento ka na sa panonood ng mga trailers na nagsimula nang ipalabas. unti-unting dumilim ang mga ilaw. nag-umpisa na ang pinakaaabangan mong palabas sa wakas. sa wakas mapapanood mo na. sa wakas, tahimik na ang lahat. sa wakas...sa wa...wa...wa...EXCUSE ME! TABI PO! ay! SORRY. MAKIKIRAAN LANG PO! TEKA! Bibili lang me ng Popcorn! EXCUSE! Ayyy! MAY BATA AKONG KASAMA! TABI LANG. PAKISINGIT NAMAN. Araykupo! PAA KO YAN! 'TANG NA! Ano ba'ng problema mo!?! Sandali nga! HINDI KO NAMAN MAKITA! MANAHIMIK KA NGA! Ano ba?! HINDI KO NA MINTINDIHAN YUNG PALABAS! HOY! SINO YANG NAGLALARO NG LASER LIGHT! Puta! PAKI-abot nga ito! MAKIKIRAAN NGA LANG...LALABAS NA KAMI! Punyeta! ito ba ang binayaran kong mapanood ko dito?! ANO BA'NG PROBLEMA MO? ARAYKUP! Ba't ka nambabato?! TABI NGA D'YAN! SINABI NANG LALABAS YUNG TAO E! Teka! TAO KA BA? Bakit hindi ka lumabas kanina?! Nakailang panood mo na ito? baka gusto mo naman lumayas na para makapanood naman yung iba?! E ANO BA'NG PAKIALAM MO! Gusto ko makita yung eksena ulit e! Pwede ba?! ANG PAA MO PAKIBABA NAMAN! ANO?! Paki-ulit mo nga?!

pagkalipas ng 2 oras at kalahati (o higit pa...) tapos na ang palabas. lumabas ka na. nakakabulag ang mga ilaw. madaming tao na naman. may pila ka na namang nakita. may mga sumalubong sa 'yong mga reporter na nagtatanong "Anong masasabi mo sa napanood mo?", "Maganda ba?!", "May maibabahagi ka ba ukol sa iyong napanood?"

at iyong sinagot...





"ANG GANDA NG PELIKULA. PURO LIKOD. ANG GANDA NGA NUNG SOUNDS EH! DINAIG PA YUNG SORROUND SOUND NG DOLBY. PUNO NANG AKSYON ANG BAWAT EKSENA. HANEP ANG MGA PWET! AT SINABI KO NA BANG ANG GAGANDA NG MGA ULO'T LIKOD NG MGA NANONOOD!!! WAKANANG BULLSHIT!"




no wonder. mas marami pa ang gustong bumili ng DVD kahit pirated para makapanood nang matiwasay....after all, this is entertainment.



on tsismis shows...
"Another popular form especially designed to entertain".

linggo supposedly ay family day. rest day naman sa iba. ito din ang araw ng mga tsismosa. pinamumugaran ng tsismis galore ang mga palabas sa tv ang araw na ito. eto na naman at nagsisimula na...

tignan mo itong overview nila ng mga MAIINIT NA BALITA tungkol kay Artista #1 vs. Artista #2.
na ilang dekada na yata ang nakalipas since nagsimula ang hidwaan nila sa isa't isa at magpahanggang ngayon hindi pa rin tapos. eto naman si Kikay #1 at Kikay #2 kulang na lang e magsabunutan sila tuwing magkikita, tapos iinterbyuhin ang bawat isa... eto ang sinasagot: "Well, matagal na yun... friends na kami." e ni pagtabihin mo nga para sa isang picture shot hindi magawa e. tapos "FRIENDS" na daw sila! eto pang isa na inagaw DAW ni Ahas#1 ang boyfriend ni Ahas#3 na dating karelasyon daw ni Ahas#4 na asawa na raw ni Ahas#2. o di ba?! hindi kaya sila ang inspirasyon behind the story ng Mara't Clara?

at meron pa! yung bahay daw ni Sosyalera binigay lang daw ng isang supposed to be ay isang 4M (matandang mayaman na madaling mamatay). Sangkot naman sa isang iskandalo ang Pulitiko na Artista rin, na umano'y nakipagsabunutan etc. tsk...tsk... things you usually get from tsismis galore shows. or how about... yung mga mag-asawang naghihiwalay when they are known as a loving and devoted husband and wife, only to find out na nagsisiraan na sila ng kani-kaniyang mga pagkatao sa harap ng mga nakararaming kapipolan ng bansa. pati na ang mga walang katapusang sex videos ng kung sinu-sino... napapalabas sa mga shows na ito. aanhin mo pa ang pirated vcd or dvd. wala lang. it's pretty interesting to watch. lalo na pag pini-pixelize nila, binu-blur, o pinapalitan ng picture ang mga katauhang sangkot... like hello! di ba naman? as if hindi nakikita! Bwahahahaha kalokohan.

now this is entertainment.



at the MRT...
All about entertainment din naman ang pinag-uusapan...

bilang isang commuter, ang pagsakay sa MRT ang isa sa mga napaka-entertaining na lugar ever. ahahahehehe kung sumasakay ka sa LRT o MRT tiyak na hindi ka mabo-boring. e araw-araw ka naman makapanood ng action, drama, comedy, suspense, thriller, horror at makarinig ng mga kwentong puno ng pantasya... ano pa ba'ng hahanapin mo?

pag-akyat mo pa lang ng hagdanan patungo sa platform ng istasyon ng tren, andami mo nang maikukwento. pero mas exciting pa rin pag nandun ka na mismo sa platform habang nag-aabang ng tren...lalo na ang pagbukas ng pintuan nito. dito na nagiging exciting ang lahat. in a mere 3-5 minutes lang, andami ka nang masisilayang kaganapan. nandyang may nagbabatukan, suntukan, sipaan, sigawan, at syempre tulakan. ang laki pa naman ng karatulang nakalagay HUWAG MAGTULAKAN na may English translation pa NO PUSHING, pero katigasan pa rin ng ulo talaga. e ano nga naman ang magagawa mo nagmamadali lahat.
kaya nga sila nagte-take ng tren, or so they would say. in fairness, hindi mo na kailangan maglakad once you're there. kahit tumayo ka lang dun, maya-maya lang magugulat ka kase nandun ka na sa loob! the wonders of standing and doing nothing hehe

at akala mo naman pag nakapasok ka na sa loob ng tren, maginhawa ka na? hindi pa noh! kailangan mong makipag-agawan sa mga upuan o di kaya kung tatayo ka lang unahan kayo sa pwesto kung saan may mahahawakan kayong handle bars. pwede ring dumikit ka na lang sa pinto na supposed to be ay part ka ng pintuan ( o parte ka ng tren? either way ganun pa rin yun). haay... ang layf. sabi nga nila kung may seswertehin, swerte daw ang mga mahilig mag tsansing. pa'no from the outside of the train view... mukha kayong sardinas. so ibig sabihin, kung nasa loob kayo feeling mo sardinas ka. parang yung mga amoy nyo rin nang kapwa mo pasahero. pag nagsama-sama.

this is entertainment... during the rush hours!