Sunday, December 10, 2006
inuman na lang tayo.
Wednesday, November 29, 2006
ever heard of speed-dating?...
ARABSTRAP "The Last Romance" (2006)
Speed-Date
The ugly tattooed swingers euphemise and call their mucky hobby "trysts," but if I saw another man touch you, I'd break his fucking wrists. Monogamy's not natural, we can't survive, that's what he'll say. He loves to swap, he's open-minded, just don't dare suggest he's gay. And maybe we're just lucky, maybe our connection is unique. And if that's really just what normal people do, aren't you proud to be a freak? The so-called Dr. Gray's a billionaire because he's got the sexes sussed. We're a different race, we can't communicate and mind-games are a must. But if you need a man, just buy the book and follow all "The Rules," there's no-one quicker to splash out than vulnerable and desperate, lonely fools. Do you know enough to circle me a "yes"? In just three minutes, can I suitably impress? Why don't we ignore the whistle? Just a look, a smile, a kiss'll tell you all you really need to know. And maybe we're just different. Maybe we're nature's surprise. So put down the book, log off and keep your wallet closed and just look me in the eyes.
Friday, November 24, 2006
SessiOnRoad
Pagod na sa hiram
Walang patutunguhan
May sasabihin ba?
Makinig na lang sa hinala
At kung akala mo ikaw lang ang nangangamba
Wag mong ikabahala
Idilat mo ang yong mata
Pansamantala lang ba
Ang lahat ng ito?
Hindi ko alam, wag mong simulan
Pahihirapan ba ang talunan?
Tuwing ika'y mamasdan
Tuwing ika'y hahagkan
Wala ka nang mararamdaman
Sa muling pagtatagpo
Mababago ba ng mundo?
Sa aking paghihintay
Sumasambang di mabibigo
Hindi ko alam, wag mong simulan
Pahihirapan ba ang talunan?
Tuwing ika'y mamasdan
Tuwing ika'y hahagkan
Wala ka bang nararamdaman?
At sa tuwing babalikan nawawala na sa katuwiran
Hindi ko alam, wag mong simulan
Pahihirapan ba ang talunan?
Tuwing ika'y mamasdan
Tuwing ika'y hahagkan
Wala ka nang mararamdaman
Friday, September 15, 2006
angst-driven theme song
for this month
the Original Fire has died and gone, but the riot inside moves on...
rebellion! riot! chaos! fire! love the angst bwahaha
but this one's has a "bluesy" feel into it. old school rock
great music and video. (malupet na guitar riffs... thunder bass...
and hard-hitting drums PLUS! great voice of Chris Cornell \m/ rock on!)
Friday, September 01, 2006
haaay... September na! umpisa na naman ng mga "...ber" months. meaning september, october, november...and december (Pasko na! yey! Christmas time!) ehem... easy...september pa lang. as in! it really sinks in at this time of the year na each and everyday e there is certain plague of uncertainty just knocking at your door. kanina lang, yung isa kong opisinameyt, so early in the morning, could you imagine Jose Mari Chan (the award-winning composer of sentimental love songs and christmas tunes...yes. he is the one) greeted her on her way to the office, with no less than a... christmas song. funny snippet. well... i'll just save my thoughts for the year in general at the end of this year (at the start of the new year).
in the words of mitch albom: "every end is the beginning, we just don't know it at that time..." (or something to that effect if i didn't put the exact words...my bad. please forgive the gagongbata hehe)
as august ends and september begins... some doors will close and some will open...there are those who will say goodbye and those who will be left behind...some will march on, while some will just decide that "that's all folks!"
BED-RIDDEN
the last week of august and dear old body of mine suddenly cough and gagged under the weight of all the angst, stress, booze, food tripping, lack of sleep and over-sleeping, angst, stress, booze, food tripping, lack of sleep and over-sleeping, and other stuffs that has nothing to do with work (i think...hmmm) hey! superman is on the tv, again! (i don't know if it is the 4th or 5th installment though, but it's christopher reeves<-- oo, yung orig!) FOR 3 DAYS!!!! could you believe?! nakakaloka na ang nakahiga ka palagi sa kama at ang pwede mo lang gawin is to sleep, drink medicine (3 times a day), eat, sleep, drink medicine (3 times a day), eat... routinary. okay sana yung bakasyon for three days kung hindi lang sa pag-inom ng gamot. medicines are bad in my mouth (eeeewwww.... hehe) but i don't have a choice. i have to. it's either, i drink my medicine or suffer. anyway, i'm happy, kase nakakainom na ako ng gamot in tablet form (aside from neo-aspilet) wehehehe
---
SARADO NA ANG TINDAHAN
the original and farewell letter of an ex-opisinameyt to each and everyone
copyrighted by the author (*sniff* *sniff* who was already off to a much greener pasture...)
----
How can I forget this group of crazy people na puro 'Patay Gutom' at walang bukang bibig kundi 'Putang Ina! You guys are so wholesome, there's not a day na di nababanggit ang S-E-X word. Ano vah... ang babastos nyo namaaaaan! My virgin ears are bleeding! Hahaha!!!
The other night I was thinking of how fun it has been working here... ops! excluding the unpleasant experiences, dapat positive devah para masaya. Siyempre bawat isa may trademark na tatatak talaga sa utak ko. Isa-isahin natin...
EDWARD - Ang lalaking mahilig umakyat sa tuktok ng mga bundok. Kase naman... yun lang ang klase ng bundok na kaya niyang marating, nakarating ka na nga ba Dward?!!! Hehehe...
BELLE - Ang Diyos ng mga mahahalay. Puro ka naman bark, walang bite e, Sige ka malapit na magsara yun kay Oden. (Oden, I love you! )
DHENG - The first guy na naka-close ko dito. Ang lalaking maraming alam. Always have something new to teach me. Pati self defense.
GEOF - Ang pinoy version ni Mariah Carey...ang gay na mahilig kumanta sa mike biglang tili sa peak... ng songs... haha....
SEPH - the king of angst. First day ko dito, angst na naririnig ko hanggang sa pag-alis ko angst pa din! Pero hmmmn... may talent pala ito sa song writing. On the spot composing lyrics and singing songs pertaining to ... what... ANGST PA DIN! Hahaha! Very sarcastic pero kwela. Ang masasabi niya sa lang...love ko toh!!!! Hahaha!!!!
JOHN - ang asawa ni Pinkee. (My friend.)
PINKIE - ang asawa ni John! Hahaha! They're perfect for each other!
MECK - Ang partner ni Pam, Ang Rockista ng opis na ito, ang umaapi kay Sarah, ang natatanging tao na walang 'F' at 'V' sa sarili niyang alpabeto. But he is super nice. Swerte na sayo ang friend kong si Pam. Hope you guys end up together, forever!
LESTER - Ang indian guy na mahilig sa helicopter. Sana wag sumabit ang long hair mo no!
PAO - Wala ako masyado masabi kay Pao kase bihira ko lang makita e. Mga 2 hours a day lang hehe. Ay meron pala! Ang lalaking gusto bumanat ng kepays kahit saan... take note ha, 'kepays' plural itech! Joke lang Pao, pero half meant yon kase totoo... hahaha! (peace!)
REX - Hmmm... pagkakataon ko na to para gumanti sayo, hayop ka! Ikaw lang ang kaisa-isang taong nagpa-iyak sakin dito! Haha! Joke lang... Yeah, I did cry, but it's not your fault... kaya we're okay. Si Rex, pag nagsalita yan kahit na di magpatawa, nakakatawa. Slang kase! Beer pa Rex?! He's well known for being a womanizer... hmmm true ba yan??? Whether it's true or not, o e ano naman. there's a lot to appreciate about this man. Being kind and very responsible are just a few. You don't even have to see his very soul to appreciate him, coz his true character is shining thru... And mind you, kulay ng skin lang niyan ang maitim, at hindi ang budhi... Oks ba, bossing? Thanks for everything, Rex. It has been nice knowing you!
JAY - I see him as a faithful husband and responsible father. Pero i heard mabagal daw ito, as in super.... saan?
POLY - how can I forget Poly, she's the one who helped and guided me through all the projects during my first weeks here. Ang kakulitan ko araw-araw. he's the female version of my best friend, Chino..... He? Female? Ano ba? Hahaha! Wabyu Poly, gusto mo nang 'extra rice' ? Hahaha!
VAL - Ang guy na laging kinakausap ang sarili... may sarili ba siyang mundo o wala lang talagang gustong sumagot sa mga tanong niya. haha! (peace val?) ang taga dala ng chips at dip, people love him for this. hehe. Lalo na ng kanyang seatmate! Di ba Harvs??? I was able to have a long talk with this guy. If I'll base my judgement on what he said, I think he's good at nurturing relationships. Agree ba kayo???!!!
PAUL - uhmmm... fill in the blank na lang _____________________________________________. Yan sya!!! Ang saya-saya!
ZYLE - ang babaeng iilagan mo sa una kase masyadong malakas ang dating! Sa angst, she's the female version of Seph pero mas matindi. Female version din ni Meck, kase rock star pero mas astig. Ang babaeng taklesa, madalas nasa tabi na pala nya yun taong tinitira niya sige pa din. Minsan nagbenta ng mga used audio tapes, iba yun cover pero laman puro moaning nila...ewan ko kung sino! Kayo ba yon ng asawa mo yon Mama Zyle???!!! Haha! Taklesa talaga. May pagka-salbahe pero dun sa mga taong deserving, kaya pag nagustuhan ka niyan you should be thankful kase true blue yon, walang bahid ng kaplastikan. That's as far as I know... hehehe. Isa sa mga totoong taong nakilala ko.
JAS- di ko masyadong nakasama tong gal na ito but I heard she's a very good friend. Kapatid ni Dheng so malamang totoo nga yon.
DUSCO - Ang object of affection ni Zyle, Ang sinasabing, laging mabango ni Mommy Oden. Naamoy mo na ba singit niyan?!
MANNY- the guy with gray hair and he loves to eat fish. Yun lang alam ko sa kanya e.
ERIC - ang parating umiikot sa creative department area para kamustahin ang lahat ng utaw. E iisa lang naman parati sinasabi niya no!
NONON - naaaliw pag nakikita ng bangenge ang creative group niya. Painom ka ulet Non! one of the brilliant minds in the industry.
ODEN - The loyal employee of this place. Proven na na true friend siya. My Mommy O na di ako pababayaan kahit na ilang beses pa ako malasheng...g...g....gwwwwaaaaarrrrkkk!!! Oops sorry Mommy O. Na-catch mo ba suka ko??? Hahaha!
MOTHER LILET - Ang lady guard dito. Mahilig mangapa ng nota ng mga kalalakihan. Mother, ingat ka baka masukahan ka ng sexual harassment. Ay! Makasuhan pala!
TOLITS - sssssssino yon????
ROY - The only managing director na di ko alam kung ano ang mina-manage niya.... a 14th floor ba? Sorry ha, di ko alam e??????
CAY - Ang babaeng puro boobs. Yun ang extension nang head niya e, kaya yun excess ng utak niya dun niya nilagay. hehe.
SARAH - ang babaeng inaapi ni Meck at pumapatol daw sa matanda. Tapos nagke-claim na virgin pa daw siya! Ano?????!!!! But this girl is a nice person, I could tell. Hello?
MARNE - mabait na NR (dedma queen basta happy siya)
VIM - ang secret love ni Rex! Ngayon Vim alam mo na! Hahaha!
DENISE - ang natatanging angkan ng mga Ortigas na nakikipagsiksikan sa UKAY-UKAY to buy used clothes. Hoy, mayaman ka na no, kaya mo ngang bumili ng mall e. But this girl is super down to earth. Di maarte. Kakagulat lang nung malaman kong mahilig sa celebrities??? Are you part of the circle???
MIKE - he's very malambing that's why I like him. Sayang lang di niya ako type!!! Hahaha! kase naman pareho kaming girl no!
ANNA - the big girl who's got big brains. Mukhang laging busog.
PAM - my dear sweet friend, when I need a comforting hug, all I need to do is run to her. Will miss you, Pamie. Pero syempre di pa ito last day natin together. I love you!!!
HARVEY - we're cousins. I'm his cousin IT and he's my cousin EAT! One guy na di pwedeng di mo mapansin sa lake ng katawan nya at celebrity appeal! I'm so glad may picture na kame together! May friend na akong artista! Haha! He's my number one customer, ang lakas kase kumain, ang parating bumabangga ng chair ko, pag dumaan talaga, nahahawi ang daan. He always play with my hair, palibhasa arabohok. Kakaibang specie etoh! He's my giant forever huggable baby! One that we'll all surely miss. I love you Harvs!
Ok there. I hope I didn't miss anyone. Ay mali pala... I'll miss everyone when I'm gone. Especially those who are close to my heart. Senti na etoh! Thanks for the happy memories na walang ka-effort-effort na nabuo dahil puro kayo sira-ulo! I hope our party on friday will not be my last with you. Take care friends!!! Mwah! Mwah!
Sarado na ang tindahan...
love ko toh!
Kkkkkkkkkccccoraaaahhhh
Saturday, August 19, 2006
here's the thing when you lose something...you learn and realize its worth. 'nuff said.
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life
Let him know that you know best / Cause after all you do know best / Try to slip past his defense / Without granting innocence / Lay down a list of what is wrong / The things you've told him all along / And pray to God he hears you
Where did I go wrong, I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life
Where did I go wrong (where did I go wrong), I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up (I would of stayed up) with you all night
Had I known how to save a life
Monday, July 24, 2006
BASKETCASE by Greenday
Do you have the time to listen to me whine / About nothing and everything all at once
I am one of those Melodramatic fools / Neurotic to the bone No doubt about it /Sometimes I give myself the creeps / Sometimes my mind plays tricks on me / It all keeps adding up / I think I'm cracking up / Am I just paranoid? Or I'm just stoned?
I went to a shrink to analyze my dreams / She says it's lack of sex that's bringing me down
I went to a whore / She said my life's a bore / So quit my whining cause it's bringing her down
Sometimes I give myself the creeps / Sometimes my mind plays tricks on me
It all keeps adding up I think I'm cracking up / Am I just paranoid? Or I'm just stoned?
Grasping to control So I better hold on
Sometimes I give myself the creeps Sometimes my mind plays tricks on me
It all keeps adding up I think I'm cracking up Am I just paranoid? Or I'm just stoned?
pollysoundtrack:
Family Reunion by Blink 182
What's My Age Again by Blink 182
The Adventure by Angels & Airwaves
We're All To Blame by Sum41
Overview: the mo0d as gloomy as the current weather while making this entry (stormy) and a bit happy (maybe because my horns are growing again...hmmm...)
hmmm...maybe i am in the mood to rant bwahahaha
since SONA naman at uso ang mga rally, bagaman binabagyo ang kalakhang maynila, parang trip ko rin maging terorista.
current ym status: "wala daw nagtatrabaho dito, kaya wala (salary) adjustments!"
current ym status ng opisina mate: "increase pala ha...eto ang bagong boss para sa inyo"
from another opisina mate: "kung ang increase ilo-loan, kanino ipapatong ang interes non?..."
ang sagot: "wala na daw bonus kase ipambabayad sa interes hehehe"
okay fine. nandun na sa mga financial matters ang usapan. e paano naman... tangina! hindi pala kami nagtatrabaho!!!!! wala palang kwenta ang halos 24/7 na pag-uuntog ng ulo para makapaglabas ng magandang konsepto na hindi naman kayang ipa-approve at depensahan. tapos ang gaganda ng mga kliyente... pero baket feeling ng mga nakatataas ay wala silang kliyente. "sunod na lang, dahil kikita naman tayo." e pucha! fuckers naman pala itong mga hinayupak na mga "bosing" na ito.... kase ni isang kusing wala ka man lamang naramdaman na "kinita" daw. may mga dumadaing na nga na wala silang mapangpa-aral ng mga anak nila. at yung simpleng konsuwelo de bobo hindi man lamang maibigay (na pinagpaguran ng mga tao...kaya nga it is a wonder where'd it all go? nasaan yung sinasabi nilang kita?!). pero ang mga sasakyan e kay gagara (hindi na nga raw magkasya sa garahe e). bayad daw namin itong mga sasakyan na ito. at binabayaran lang namin sila para maupo at mag-smile at um-oo. binabayaran din yata namin yung mga drayber nila na nakatambay lang sa opisina? wish lang nahihiram namin yung mga sasakyan nila't nagpapdrayb pag may pupuntahan here, there. everywhere, at any time ahahaha tangina di ba?! people first! then the product. sadly, in reality, everything pretty much goes the other way around.
kung ganito ang takbo ng isang private company...how much more ang mga political leaders ng isang bansa?!
little wonder...
"vanity definitely, my favorite sin."
John Milton (Al Pacino)
The Devil's Advocate (1997)
Thursday, June 29, 2006
music: Hotel California by The Eagles
"On a dark, desert highway, cool wind in my head..."
[ the itinerary ]
24.june.2006 famy, laguna hike minor climb (if you can call it a minor climb... talk about battling a very wet weather while climbing the steep, muddy, rocky, shit-full slopes ... plants! plants! and more plants and trees... cliff of which some... are barbed wired, while some... guess where it will end? bwahaha) more importantly, it's a night hike :) exciting! hehe
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
at dahil pasaway ang gagong bata na palaboy (na tulad ko...) lahat yata ng bawal gawin when you'll gonna going on an hiking expedition nagawa ko. but anyway, these are, in my intrepid mind, the most important things you should consider to bring along and must-haves when hiking (though bringing an alcoholic beverage depends i think... half of my mind says we should've brought one along, half of it thought... buti na lang!*):
*i have to consider the weather on this thought and the terrain... 1) bring a mountaineering or hiking bag... it's much bigger and can well adapt itself to whatever conditions you're gonna be in aside from being compact. (whatever! i brought my backpack instead...it's more like a small school bag in the eyes of everyone... i think) 2) it's a common knowledge for any mountaineer or hiker to wear proper lightweight attire--- and i didn't (i'm comfortable wearing jeans...so why can't i? hehe) and hiking shoes anyone?!...nah! i wore my trusty and dependable chucks (pic at the bottom) that i usually wear every damn day (hehe this is the limited edition folks!...sure it didn't help at getting me to avoid splashing around in muddy ground... but its the best sneakers that i've ever put into such a gruelling test) 3)be in the company of friends... kasi it is much fun doing these activities with the people you're pretty much comfortable with ---- this is what i like most! 4)have a guide --- we have the best!
by the way, there are only three of us who dared to climb the mountain, challenged the weather, and hike all the way to the camp at night!
the nanay, the guide, and the mudswimming rookie.
Thursday, June 22, 2006
---------
if i would describe what my life is...it's music.
music is everywhere. it maybe the trees singing along with the wind. or the birds that chip and chatters. may it be orchestral, classical, rhythm and blues, rock 'n roll, jazz, country, disco, punk, grunge, rock, metal, techno, new wave, ballad, pop, alternative, acoustic, acapella, world music, or even choir songs. it's what makes this "gagong bata" such a neurotic blend. the sounds of the streets are music to my ears as well. apart from the noise, silence is such a relaxing tune. one may agree or not, i'm not a specialized listener (meaning listening to specific genre of music). i listen. that respect, i give to music. and music is everywhere. (put scene of "The Sound Of Music" here where Julie Andrews is singing on a hilltop --- i think it's the opening scene) maybe its no wonder God gave us ears. we should all learn to listen.
music is a sanctuary. like the church quasimodo is living in.
or what the lost boys in never never land may be humming whenever they were fighting captain hook with peter pan.
-----------
currently listening to Sitti's Cafe Bossa a collection of Bossa Nova songs and my seatmates' iTunes' RnB collection with the National Geographic commentation about how a shark catches sea lions for lunch! bon appetite!
Wednesday, April 26, 2006
haaay...
p*tangna! bullsh*t! tagus ba?! tagus ba?! it hurts! it hurts you know!...
"...Lumingon sandali lang bago mo tuluyang iwan... nais ko...
SUMIGAW! palabas at sasabihin sa iyo ang lahat.
TUMAKBO palayo at iiwanan na ang ala-ala mo!!!!
at kung hindi na babalik, sana sa pag-gising ay wala na ang nadaramang sakit!
at kung hindi na babalik... sasabihin sa sarili na hindi ako nagkamali..."
SUMIGAW! palabas at sasabihin sa iyo ang lahat.
TUMAKBO palayo at iiwanan na ang ala-ala mo!!!! "
huhuhu ouch!
masakit lang talaga ng ngipin ko.
Wednesday, April 12, 2006
Friday, March 31, 2006
kaya dadaldal na lang ako dito
ako ay nagbabalik.isang gago na palaboy ng lansangan. laging nawawala
at nakatulala sa kawalan. magbabahagi lamang ng mga mumunting kwento.
mga kwentong hango sa araw-araw na paggagala. usapang musika muna tayo...
gigs
andami gigs nitong mga nagdaang linggo (since last year). summer na. humaharurot na ang palipad ng mga lokal na banda. buhay na naman ang OPM. naglabasan na naman ang mga rakista. rakrakan na. inuman na. tugtugan na. slamman na. bata, matanda nakakarelate. at kahit na gaano kaingay ang mga musika't tugtugan nito...napapasayaw ka man sa kinatatayuan mo, iba talaga kapag nakakapanood ka ng gig. makita mo na tumutugtog ng live ang isang banda. mas maappreciate mo yung galing nila sa pagkalabit ng mga strings ng kani-kanilang mga gitara't baho o paghampas ng tambol; at pagkanta ng bokalista.
nakakamiss lang ang mga club dredd days noon.
oo...bawal pa ako sa mga gano'ng lugar.
palo ang aabutin ng inyong abang lingkod hehe
pangarap na banda
ano kayang feeling ng meron kang sariling banda? yung hinihiyaw ang pangalan mo
habang tumutugtog ka ng isa sa mga orig nyong komposisyon? yung meron humahabol sa "entourage" nyo (malalim ba? wala akong ibang word na maitawag e hehe) papunta sa isang gig? yun bang tuwing lalabas kayo sa isang gig e may mga sumasalubong sa inyo na nagkakagulo na makipagkamay sa inyo o pa-piktyur pa?! o di kaya yun lalapitan kayo't hihingan pa ng autograph?! ano bang feeling na pag tuwing kakanta kayo e nakikikanta rin ang lahat ng manonood?!... ano nga kaya?!
masaya magkabanda. madali lang bumuo ng banda.
madali rin maglaho ang mga pangarap.
kung wala sa puso...at sumusunod lamang sa uso.
we interrupt this program to give you
an important reminder
based on a true story. hehe
HOST 1: "Okei pa ba kayo lahat dyan?!"
(hiyawan mga rakista!)
HOST 2: "Wow! astig kayong lahat. lahat kayo na dumalo sa gig na ito..."
HOST 1: "Oo, nga. Ngunit bago natin ipagpatuloy ang selebrasyon na ito..."
HOST 2: "may konting mga announcements lang kami na kailangan banggitin."
HOST 1: "Okay ba sa inyo yun?!"
(hiyawan ulit ng mga rakista... pero parang nagmamumble lang ng mga salita. kung ano man yun? hindi ko alam hehe)
"cge na! ituloy nyo na yan tapos tugtugan na ulit!!!!" sigaw ng isa sa mga manonood.
HOST 2: "Ang sasaya nila ngayong gabi ano?!"
HOST 1: "Tama. o sya. ito ang mga nanalo sa raffle natin ngayong gabi ng isang case ng beer..."(at isa-isang nagbanggit ng pangalan ng mga nanalo sa raffle)
HOST 2: "At ito naman ang mga nanalo sa raffle natin ngayong gabi ng mp3s...pero hindi mp3 player...mp3s lang take note!" (at binanggit na naman ang mga pangalan ng mga nagwagi)
HOST 1: "Congrats sa mga nanalo at inyong i-claim ang premyo dito sa harap ng stage..."
HOST 2: "Congrats! Other announcements..." (pause) "tinatawagan ng pansin ang may-ari ng kulay puting Mercedez Benz...hindi na sya puti..."
HOST 1: "Tinatawagan ang pansin ng may-ari ng kotseng may plakang TAE658... kasalukuyan syang tino-tow..."
HOST 2: "O sya! ituloy na tin ang tugtugan! siagw nga ulit kayo..."
(hiyawan ng mga rakista ulit!)
HOST 1: "Handa na ang susunod na banda. inihahatid namin sa inyo ang bandang Banda Namin Noon..."
HOST 2: "Teka muna!... sisingit lang po muna ako...isa na lang announcement..."
HOST 1: "O cge..."
HOST 2: "Uhmm... tinatawagan ng pansin si Juan Andres Bernardo Huwes Jr."
"... nanay mo nasa labas at sinusundo ka. Gabi na raw... uwi na daw kayo."
(hiyawan at kantiyawan)
Tuesday, February 14, 2006
14.2 here goes nothing. 14.2 i don't have everything. 14.2 it was a mistaken identity. actually, it's just 2.14 when placed backwards. just erase the dot and you got a rivermaya original song. its OPM (orig pinoy music) at its best. i just don't make sense. i don't have a sixth sense. it was just the freaking opinion of conscience. was it providence? no, it's not a coincidence. i just made it looked like it was an accident. watching a wrestling match for entertainment to get some kicks out of an amicable life of the ordinary. they made me attend the disciplinary school. disobedience made me obey. sickness made me feel okay. dispatch the line before this, i just made it up to rhyme. like a dime that i failed to catch when all i can get is a piso*. pustiso sinisipilyo. nawawalan ng turnilyo; hindi marunong maggantsilyo. 14.2 is the day that i stepped IN a shithole when i stepped OUT of another. this is a special day that celebrates love in all aspects. weird n0h?! let's celebrate love for just ONE freaking day... then let's kill each other for the rest of the year bwahahaha just a thought ehehe madness. chaos. charoos! nyak-nyak-nyak. well, on my way, i did managed to breathe some fresh air instead of a burning and rotten breeze in hell...but then again... like a moth to a flame, i fail to forget the place of the damned; just like the rest of the whole damn greatest creation ever made... humans. hehe. so i just wrote a very special post to commemorate the first year of angst management class that i was practically thrown to to attend over and over and over... shit. so to me on the 14th day of the second month of the year i celebrate because 14.2 is the day that i failed too.
--------
just wanted to post something to commemorate the gagong bata na isang palaboy (in da haws)'s one year of being in the angst management class hehe
Wednesday, February 01, 2006
the Monkees
Of the bluebird as she sings.
The six o'clock alarm would never ring.
But it rings and I rise,
Wipe the sleep out of my eyes.
My shavin' razor's cold and it stings.
Cheer up, Sleepy Jean.
Oh, what can it mean.
To a daydream believer
And a homecoming queen.
You once thought of me
As a white knight on a steed.
Now you know how happy I can be.
Oh, and our good times start and end
Without dollar one to spend.
But how much, baby, do we really need.
Cheer up, Sleepy Jean.
Oh, what can it mean.
To a daydream believer
And a homecoming queen.
Cheer up, Sleepy Jean.
Oh, what can it mean.
To a daydream believer
And a homecoming queen.
Cheer up, Sleepy Jean.
Oh, what can it mean.
To a daydream believer
And a homecoming queen.
Wednesday, January 18, 2006
syempre dakilang late si ako. tanghali na papasok pa lang ako. i'm so0ooo dedicated di ba?! ba't nga ba ako late? SWOOSH (flashback effect) well...sangtambak ang mga J.O. sa opis. from monday 'til wednesday (this week pa lang yan...hindi ko na isasali yung mga nakaraan pa) grabe ang demand (though hindi pa naman overwhelming). uwian-pasok galore at tapak lang sa bahay ang mga kaganapan sa kabuhayan ko. pero kagabi...este kanina pag-uwi ko (sa wakas... ^_^) mantakin mo! nag-alaSPIDERMAN ako...akyat-bahay gang, in short...sa inuuwiang tahanan ng isang palaboy na tulad ko. sarado na kc ang gate at mga pintuan. well...ayus lang sanay na hehe SWOOSH (flashback effect) kanina habang nakasakay sa MRT, habang ang isip ay nasa ibang dimensyon parang nabatukan ang bata nang kanyang makita si Kris Aquino! nakatingin sa akin at nakaturo, nanlalaki ang mga mata't nakabuka ang bibig na tipong sumisigaw sa akin ng: "GAME KA NA BA?!" so syempre napatingin ako habang sinasabing "yeah, right." and then, bigla syang nahati sa gitna. tumabingi mukha nya. one side goes to the left...the other side to the right. as in! nahati sya! believe me. parang mutation process ng pelikulang TOTAL RECALL. i'm speechless. a girl of her status naging gano'n. mutated version. after ilang minutes, naging buo sya ulit. at ako'y nagpatuloy sa aking paglalakbay.
so far so good...she's only a sticker.
nakakatawa lang kc ung itsura nya nung bumukas ung pintuan ng tren at sakto yung image nya doon nakalagay ; )
Friday, January 13, 2006
kwento ko isang araw...
"entertainment n. Something, especially a performance or show, designed to entertain".
pagkatagal-tagal mong hinintay ang pagkakataong masilayan ang iyong pinaka-aabangang palabas sa mga sinehan. tuwang-tuwa ka pa sa iyong nag-iisa't natatanging misyon sa araw na iyon. puno ng pag-asa't pagnanasa kang umakyat ng hagdan para lamang makita na buhul-buhol na ang tila ahas na namulupot ang pila. lahat nakapila. lahat nag-aabang. lahat ay tulad mong naghihintay at nag-aasam na masilayan ang pinaka-aabangang palabas. ito ang tumambad sa iyo. gano'n din ang kwento sa pilahan ng tiket. pucha! ang haba ng pila. sumingit na lang kaya ako? pero sabi mo sa sarili mo "hinde. sila'y tulad ko na nag-aabang at umaasang mapanood ang palabas na ito. respeto kapatid. respeto." pumila ka't tahimik na naghintay. 5 minutos. 15 minutos. 30 minutos. 45 minutos. 'langya! isang oras na! kaya mo pa? magdadalawang oras na ikaw nakatayo sa pila't tahimik na umaantabay at nananalanging "sana gumalaw na ang pila..." ilang oras ba itong palabas na ito? ayan at may mga nagsisilabasan na. unti-unti nang gumagalaw ang pila. makakapasok ka na. ini-abot mo ang tiket at humakbang loob ng cinema lobby. wala ka na sa pila. pumasok ka na sa pinto. madilim. ngunit may mga tao pang nakatayo. yung iba naglalakad. tulad mo dumadaan at dinadaanan. at nang marating ang kaloob-looban, napagtanto mong andami palang mga tao. may upuan naman kaya lang mas marami pa sa upuan ang mga taong nanduon. pero malay mo... may maupuan ka pa. kasi meron pang mga umaalis at lumalabas. kaya lang ay tila suntok sa buwan na lang ang paghahanap ng upuan. wag nang mag-inarte. meron namang sahig. e pucha! pati sahig puno na rin ng tao. hindi pa maganda yung view. pa'no ka pa naman makakapanood nyan?! duon kaya ikaw 'kamo sa itaas na lebel. tama! at least kahit nasa sahig ka kita mo pa rin yung pinapanood mo. chika na lang ung mga dumadaan. pag nag-umpisa na ang palabas tiyak na wala na yang mga dumadaan na yan. hehe. at ika'w pumwesto ng upo. kuntento ka na sa panonood ng mga trailers na nagsimula nang ipalabas. unti-unting dumilim ang mga ilaw. nag-umpisa na ang pinakaaabangan mong palabas sa wakas. sa wakas mapapanood mo na. sa wakas, tahimik na ang lahat. sa wakas...sa wa...wa...wa...EXCUSE ME! TABI PO! ay! SORRY. MAKIKIRAAN LANG PO! TEKA! Bibili lang me ng Popcorn! EXCUSE! Ayyy! MAY BATA AKONG KASAMA! TABI LANG. PAKISINGIT NAMAN. Araykupo! PAA KO YAN! 'TANG NA! Ano ba'ng problema mo!?! Sandali nga! HINDI KO NAMAN MAKITA! MANAHIMIK KA NGA! Ano ba?! HINDI KO NA MINTINDIHAN YUNG PALABAS! HOY! SINO YANG NAGLALARO NG LASER LIGHT! Puta! PAKI-abot nga ito! MAKIKIRAAN NGA LANG...LALABAS NA KAMI! Punyeta! ito ba ang binayaran kong mapanood ko dito?! ANO BA'NG PROBLEMA MO? ARAYKUP! Ba't ka nambabato?! TABI NGA D'YAN! SINABI NANG LALABAS YUNG TAO E! Teka! TAO KA BA? Bakit hindi ka lumabas kanina?! Nakailang panood mo na ito? baka gusto mo naman lumayas na para makapanood naman yung iba?! E ANO BA'NG PAKIALAM MO! Gusto ko makita yung eksena ulit e! Pwede ba?! ANG PAA MO PAKIBABA NAMAN! ANO?! Paki-ulit mo nga?!
pagkalipas ng 2 oras at kalahati (o higit pa...) tapos na ang palabas. lumabas ka na. nakakabulag ang mga ilaw. madaming tao na naman. may pila ka na namang nakita. may mga sumalubong sa 'yong mga reporter na nagtatanong "Anong masasabi mo sa napanood mo?", "Maganda ba?!", "May maibabahagi ka ba ukol sa iyong napanood?"
at iyong sinagot...
"ANG GANDA NG PELIKULA. PURO LIKOD. ANG GANDA NGA NUNG SOUNDS EH! DINAIG PA YUNG SORROUND SOUND NG DOLBY. PUNO NANG AKSYON ANG BAWAT EKSENA. HANEP ANG MGA PWET! AT SINABI KO NA BANG ANG GAGANDA NG MGA ULO'T LIKOD NG MGA NANONOOD!!! WAKANANG BULLSHIT!"
no wonder. mas marami pa ang gustong bumili ng DVD kahit pirated para makapanood nang matiwasay....after all, this is entertainment.
on tsismis shows...
"Another popular form especially designed to entertain".
linggo supposedly ay family day. rest day naman sa iba. ito din ang araw ng mga tsismosa. pinamumugaran ng tsismis galore ang mga palabas sa tv ang araw na ito. eto na naman at nagsisimula na...
tignan mo itong overview nila ng mga MAIINIT NA BALITA tungkol kay Artista #1 vs. Artista #2.
na ilang dekada na yata ang nakalipas since nagsimula ang hidwaan nila sa isa't isa at magpahanggang ngayon hindi pa rin tapos. eto naman si Kikay #1 at Kikay #2 kulang na lang e magsabunutan sila tuwing magkikita, tapos iinterbyuhin ang bawat isa... eto ang sinasagot: "Well, matagal na yun... friends na kami." e ni pagtabihin mo nga para sa isang picture shot hindi magawa e. tapos "FRIENDS" na daw sila! eto pang isa na inagaw DAW ni Ahas#1 ang boyfriend ni Ahas#3 na dating karelasyon daw ni Ahas#4 na asawa na raw ni Ahas#2. o di ba?! hindi kaya sila ang inspirasyon behind the story ng Mara't Clara?
at meron pa! yung bahay daw ni Sosyalera binigay lang daw ng isang supposed to be ay isang 4M (matandang mayaman na madaling mamatay). Sangkot naman sa isang iskandalo ang Pulitiko na Artista rin, na umano'y nakipagsabunutan etc. tsk...tsk... things you usually get from tsismis galore shows. or how about... yung mga mag-asawang naghihiwalay when they are known as a loving and devoted husband and wife, only to find out na nagsisiraan na sila ng kani-kaniyang mga pagkatao sa harap ng mga nakararaming kapipolan ng bansa. pati na ang mga walang katapusang sex videos ng kung sinu-sino... napapalabas sa mga shows na ito. aanhin mo pa ang pirated vcd or dvd. wala lang. it's pretty interesting to watch. lalo na pag pini-pixelize nila, binu-blur, o pinapalitan ng picture ang mga katauhang sangkot... like hello! di ba naman? as if hindi nakikita! Bwahahahaha kalokohan.
now this is entertainment.
at the MRT...
All about entertainment din naman ang pinag-uusapan...
bilang isang commuter, ang pagsakay sa MRT ang isa sa mga napaka-entertaining na lugar ever. ahahahehehe kung sumasakay ka sa LRT o MRT tiyak na hindi ka mabo-boring. e araw-araw ka naman makapanood ng action, drama, comedy, suspense, thriller, horror at makarinig ng mga kwentong puno ng pantasya... ano pa ba'ng hahanapin mo?
pag-akyat mo pa lang ng hagdanan patungo sa platform ng istasyon ng tren, andami mo nang maikukwento. pero mas exciting pa rin pag nandun ka na mismo sa platform habang nag-aabang ng tren...lalo na ang pagbukas ng pintuan nito. dito na nagiging exciting ang lahat. in a mere 3-5 minutes lang, andami ka nang masisilayang kaganapan. nandyang may nagbabatukan, suntukan, sipaan, sigawan, at syempre tulakan. ang laki pa naman ng karatulang nakalagay HUWAG MAGTULAKAN na may English translation pa NO PUSHING, pero katigasan pa rin ng ulo talaga. e ano nga naman ang magagawa mo nagmamadali lahat.
kaya nga sila nagte-take ng tren, or so they would say. in fairness, hindi mo na kailangan maglakad once you're there. kahit tumayo ka lang dun, maya-maya lang magugulat ka kase nandun ka na sa loob! the wonders of standing and doing nothing hehe
at akala mo naman pag nakapasok ka na sa loob ng tren, maginhawa ka na? hindi pa noh! kailangan mong makipag-agawan sa mga upuan o di kaya kung tatayo ka lang unahan kayo sa pwesto kung saan may mahahawakan kayong handle bars. pwede ring dumikit ka na lang sa pinto na supposed to be ay part ka ng pintuan ( o parte ka ng tren? either way ganun pa rin yun). haay... ang layf. sabi nga nila kung may seswertehin, swerte daw ang mga mahilig mag tsansing. pa'no from the outside of the train view... mukha kayong sardinas. so ibig sabihin, kung nasa loob kayo feeling mo sardinas ka. parang yung mga amoy nyo rin nang kapwa mo pasahero. pag nagsama-sama.
this is entertainment... during the rush hours!